Huhugutin kita. Bibilugin kita. Kakainin kita.


"Pagkain ng Higante"

Isang araw habang naglalakbay si Juan, Pedro, Jose sa nakakatakot na gubat, naalarma sila sa malakas na ingay na narinig na nagmumula sa isang kuweba. Narinig nila ang ingay ng higante "HUHUGUTIN KITA. BIBILUGIN KITA. KAKAININ KITA!" Natakot ang magkaibigan, ngunit naglakas-loob silang siyasatin ito. Nauna si Jose na pumasok sa kuweba. Hindi na nakabalik si Jose matapos nilang marinig ang sigaw ng higante "HUHUGUTIN KITA. BIBILUGIN KITA. KAKAININ KITA!". naisip nilang baka kinain na ng higante si Jose. Kaya sumunod si Pedro kay Jose. Tulad ni Jose hindi narin nakabakik si Pedro matapos marinig ang bulyaw ng higante "HUHUGUTIN KITA. BIBILUGIN KITA. KAKAININ KITA!". Hindi kayang iwan ni Juan ang kaniyang mga kaibigan, kaya sumunod ito sa loob. Naaubutan niyang nagtatago ang dalawa. Nagulat siya nang makita niyang nangungulangot ang higante. "HUHUGUTIN KITA. BIBILUGIN KITA. KAKAININ KITA!" 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Panunuring Pampelikula

Dalaga