Panunuring Pampelikula

        I.            PAMAGAT
                Dr. Jose Rizal(1998)
      II.            MGA TAUHAN
Ø  Jose Rizal
Ø  Crisostomo Ibarra at Simoun
Ø  Luis Taviel de Andrade
Ø  Donya Teodora Alonzo
Ø  Andres Bonifacio
Ø  Maria Clara
Ø  Josephine Bracken
Ø  Leonor Rivera
Ø   Paciano Rizal
Ø  Pio Valenzuela
Ø  Don Francisco Mercado
    III.            BUOD NG PELIKULA
              Ito ay tungkol sa buhay ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Mula sa pagkabata hanggang sa sya ay litisin, hatulang barilin sa Bagumbayan sa kamay ng mga Kastila sa harap ng mga Pilipin. Ang kanyang mga obra na Noili Me Tangere at El Filibusterismo na mithiin na ipakita at gisingin ang mga Pilipino mula sa pang aalispusta ng mga Kastila. Na makamit ang kapayapaan at kalayaan.
.Dahil sa nobelang ito inaakusahan ni Rizal na ang mga Kastila ang pinuno ng rebolusyon. Maging ang kapatid nyang si Paciano ay pinahirapan upang ilahad na si Rizal ay may kinalaman sa nasabing rebelasyon. Nobyembre 1896 ay nadaklip si Rizal at dinala sa Fort Santiago. Doon ay may nakaka kwentuihan sya na isang alipin.  Naalala nya kung paano nilahad sa kanya ni Paciano ang ukol sa pagpatay sa 3 pari na GOMBURZA, ang turo ng kanyang ina na si Donya Teodora Alonzo ukol sa gamo-gamo, ang buhay nya sa Ateneo Municipal at ang pag gamot ni Rizal sa problema sa mata ng kanyang Ina.
              Si Luis Taviel de Andrade, kapatid ni Jose Taviel na dating gwardya ni Rizal, ang naging abogado nya. Si Taviel ay isang opisyal ng kastila na hindi naniniwala sa kanya. Ngunit nagbago ito ng maibahagi sa kanya ni Rizal ang kanyang buhay, nagpagtanto nya na si Rizal ay hindi lamang isang inosente sa isang kaso bagkus sya ay isang kahanga hangang nilalang kaya napagdesisiyunan nya na ilalaban nya sa husgado si  Rizal hanggang matapos ang paglilitis sa kanya. Naikwento din ni Rizal angf kanyang pag aaral ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas, ang diskriminasyon sa mga estudyante doon. At ang pag iibigan nila ni Leonor Rivera na kanyang pinsan  ng makilala ang mga Pilipino na kapantay ng mga Kastila. Pinapunta sya sa Europa ni Pacaino upang mag aral doon ng medisina at gawin ang nararapat para sa bayan. Doon ay matututo sya at malayang maisusulat ang mga kailangang pagbabago at katarungan sa bayan. Naikwento rin nya ang pagpasok nya sa Unibersidad Central de Madrid noong 1884. Naitatag ditp ang  Kilusang Propaganda na naglalayon ng kalayaan at pagpapahayag ng karapatan kapantay ng mga Kastila. Sa pamamagitan ng La Solidaridad, ang pahayagan ng organisasyon, naipaparating nila ang kanilang mga adhikain. Enero ng taong 1899 nagkaroon ng pag aaway sa organisasyon ng maisipan nila maghalal ng pangulo. Ayon kay Marcelo H. del Pilar, ang adhikain ng La Solidaridad ay pampribado na matinding tinutulan ni Rizal. Para sa kanya ang adhikain ng La Solidaridad Ito ay samahang pansibikong samahan ng mga Pilipino na naglalaman ng pagbabago sa ilalim ng mga Kastila. Dito ay nakilala nya si Andres Bonifacio. Itinuring na isang samahan ang La Liga Filipina na kumakalaban sa Espanya. l. Dahil dito kababalik palang ni Rizal dito ay ipinahuli at ipinadala na ito sa malayong lugar, sa Dapitan. Sa lugar na yon ay nakilala nya ang pag ibig ng kanyang buhay, si Josephine Bracken, isang Irish na ipinanganak sa Hongkong, na kung saan ay nagkaroon sila ng anak ngunit namatay din makalipas ang ilang oras. Sa kabila ng pagpapatapon sa kanya sa Dapitan ay nagawa pa din ni Rizal na makapagsulat ng manifesto na hindi pag aalsa ang sagot sa hinaing ng mga Pilipino, nais pa rin ng mga prayle.Noong ika-26 ng Disyembre,1896, ginanap ang paglilitis ni Rizal. Bunga nito, ang nararapat na kaparusahan sa mga mapangahas ay kamatayan. Sa panig naman ng mga nanansakdal, ipinaaabot ng mga sulat ni Rizal kung paano dapat patakbuhin ang Pilipinas. Pagkakaroon ng pantay na karapatan at kalayaan ang nais nya. Pero hindi pinahihiwatig at pinatutunayan nito na si Rizal ang pinuno ng rebolusyon. Sa katunayan, sa pamamalagi nya sa Dapitan ay hindi sya nagsulat ng mga bagay na konektado sa  pulitika. At sa pagbisita sa kanya ni Dr. Pio Valenzuela sa Dapitan upang  ikonsultan at yayain syang sumama sa rebolusyon, si Rizal ay hindi pumayag sa nasabing pag aalsa. At sa huli, sa pahintulot na magsalita si Rizal,sinabi nya na ang nais nya lang ay kalayaan. Kalayaang hindi nakamit dahil sa rebolusyon kundi kalayaan gamit ang edukasyon. Pero sa kabila ng pagtatanggol ni Taviel kay Rizal, wala na syang magagawa sa tadhanang ito. Si Rizal ay nakatakdang barilin sa ika-30 ng Disyembre, 1896. .. Sa pagkakapatay kay Rizal, lalong lumaganap ang himagsikan sa Pilipinas. Nakamit ang kalayaan  noong ika-12 ng Hunyo,1898. Ilang taon ang nakalipas ay hinirang na Pambansang Bayani si Dr. Jose Rizal.
IV. BANGHAY NG MGA PANGYAYARI
A.      Tagpuan
Ø  Pilipinas                                                                                                                                                       


B. Protagonista
Ø  Dr. Jose Rizal
C. Antagonista
Ø  Mga Kastila
D. Suliranin
Ø  Mga naging suliranin sa pagkapit ng kalayaan ng Pilipinas.
E. Mga kaugnay na pangyayari o pagsubok sa paglutas ng suliranin
Ø  Ang pagsulat ni Rizal ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo na naglalaman ng pagmamalupit ng mga Kastila. At ang pag tadhana ng paglilitis at pagpatatay kay Dr. Jose Rizal.
F. Mga Ibinunga
Ø  Ang paggising ng makatang mithiin ng kalayaan ng mga Pilipino. Ang Pagdakip at pagpapatapon sa Dapitan kay Rizal dahilan sa 2 obra na kanyang isinulat laban sa pamahalaan ng Espanya.
V. PAKSA O TEMA
Ø  Mga pinagdaanan ni Dr. Jose Rizal upang makamit ng Pilipinas ang kalayaan.
VI. MGA ASPEKTONG TEKNIKAL
                A. Sinematograpiya
Ø  Simula hanggang sa huli ay kuhang kuha ang angkop na gamitin sa bawat eksena.
                B. Musika
Ø  Naaayon ang bawat musika sa bawat pangyayayari. Malinis at malinaw ang pagkakagawa.
                C. Visual Effects
Ø  Epektibo ang paggamit ng black and white background para sa mga eksenang mula sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
                D.  Set Design
Ø  Kahanga hanga ang mga ginamit na disenyo. Ramdam mo talaga na nasa panahon ka ng kastila. Mahusay ang pagkakalagay ng bawat disenyo sa nararapat na kalagyan.
                VII. KABUUANG MENSAHE NG PELIKULA

Ø  Para sa akin ang nagging mensahe ng kwento ay hindi mo kailangan  akuin ang kasalanan ng iba at..kailangan lang natin gawin ay tumulong  sa kapwa natin halimbawa na lamng ni jose rizal..masarap sa pakiramdam na may natutulungan ng walang hinihinging kapalit at nakakataba rin ng puso ito lang po aking paliwanag

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Huhugutin kita. Bibilugin kita. Kakainin kita.

Dalaga